Friday, May 29, 2009

Ako bilang bata.

I am writing this article not for others to read, gusto ko sana for future use mabasa ko ito, gustong kong alalahanin lahat ng mga memories ko nung bata pa ako.. Let's start.

I am uncertain kung ano ang age ko nung nag-transfer kami ng bahay from Quezon province to Mariquita Sta. rosa Laguna, the only moment I remember was when I am holding my mother's hand and on the other side was my brother Garex..he was holding her hands also, as a child I have the habit of looking around me..I wouldn't pay attention to what's towards me, masyado akong mapagmasid nung time na yun, I even remember yung mga color ng mga bubong ng kapitbahay..haha. I looked at my brother and he was just quite, mahiyain talaga siya noon. I looked at my nanay and she was carrying a bag, I cannot remember kung ano pa yung mga dala niya, there is something on my mother's face that would make me feel sad. I don't know what else.
Is it because malalayo siya kay papa or iniisip niya kung ano ang mangayayari sa amin if wala kaming makain, :C We stopped, yun ang bahay nila Nanay Kikay my Lola.

I am getting used to that house, kasama namin ni Garex yung mga pinsan ko Ema, Kuya Brian and we're also with our tita Ate Nene and with our Lolo Kile. We loved playing around the house since it's big, there was a mango tree doon sa likod ng bahay at tsaka puno ng bayabas, madamo pa noon ang bahay na yun, pag umuulan maputik din pero hindi naman masyadong maputik. Naaalala ko yung mga time na naglalaro kami around dun sa mango tree, naglagay pa nga kami ng duyan, minsan din pumupunta kami sa playground na hindi naman masyadong kalayuan sa bahay namin, masaya ako dahil first time kong makakita ng playground, wala kasi sa Quezon nun ang tanging naaalala ko lang na pinaglalaruan ko sa Quezon ay yung dagat. My father was a mangingisda that time, pero nung nakikita ko sa picture nagco-construction din pala siya. May naging kaibigan nadin kami sa Mariquita, si jaypee, si merf-merf, si ate irish ate michelle, yung mag bata sa mahal na ina na kalapit bahay lang namin. Hindi ko na maalala yung ibang name pero sila sila lagi yung mga kalaro namin ng mga pinsan ko. Minsang naglutuan kami nila Garex at Jaypee, well... kumuha kami ng lata ng bonamil (gatas) tapos ngalagay kami ng tatlong malalaking bato at ginwang triangle tapos nagsindi ng apoy at nagluto-lutuan.Naglagay kami ng mga dahon ng mangga since may puno nga doon, kinolekta namin yung mga tuyong dahon sa ilalim tsaka iniluto. Hmmm.. mabango, amoy sinigang! hehe. Wala sa bahay noon si Nanay dahil umunta sila sa Quezon, inabot na kami ng gabi sa paglalaro sa likod bahay, nakaupo kami palibot dun sa niluluto namin, tumayo si Jaypee at aksidente niyang natabig yung lata papunta kay Garex, hindi ko narining na sumigaw si garex, tahimik lang siya pero natakot din siya, nagulat ako at natakot, pinagdasal ko na hindi pa umuwi sina Nanay noong gabing yoon, pero mukang hindi dininig ni Papa Jesus yung dasal ko, tumingin ako sa labas ng bahay at nakita ko silang naglalakad, padating na! Lagot ako nito.
Nakaupo lang ako sa sofa noon, mukang alam na ni nanay yung nangyari. Pinalo niya ako ng napakalakas, umiiyak ako, sabi ni Nanay hindi ko daw binabantayan kapatid ko. Lalo akong umiyak dahil siguro akala niya ako ang nakabuhos sa hita ni Garex, ang sabi ko "Si Jaypee ang may gawa niyan!", hindi niya ako pinakinggan. Pinalo ulit niya ako. As a child, hindi ko maintindihan kung bakit pinalo niya ako gayong hindi naman ako ang may kasalanan. Nakita kong nilagyan niya ng Colgate yung hita ni Garex, inisip ko nung bata ako mas mahal niya si Garex.

1993 Sept. nagkaroon kami ng bunsong kapatid si Apple, pero pangalan niya ay Jennylyn, babae siya, kyut, mataba ang mga pisngi, medyo mapula-pula ang balat. Ganoon pala ang itsura ng baybie. Haha.

Isang araw nakaupo kami sa lamesa, kumakain.. naalala ko si Ema (half japanese, half pinay) she was cute, very malikot, lagi siya umiiyak sa tuwing aalis yung lolo namin, masyado siyang intact kay Lolo Kile, spoiled siguro. Nasa Japan noon ang nanay niya, at until now andoon padin si Tiya Abeth (Elizabeth), sa sobrang kakaulitan niya, nahulog siya sa upuan, pinipigilan kong tumawa pero dahil bata ako, tumawa din ako. Haha. Madami siya stuff toys noon, pinapadala sa kanya ni Tiya Abeth, nakakainggit dahil karaniwan ang laruan ko noon ay yung mga binibili sa tapat ng simabahan, yung di-hilang kalabaw at kabayo, minsan manikang maliit na halatang binili sa palengke ng sampung piso dahil yung ulo niya mas malaki sa katawan at napakaliit lamang noon. Sana may barbie doll din ako tulad nila Ate Irish at Ate Michelle, gustong gusto kong pumupunta sa bahay nila dahil madami silang barbie doll, sa hahawak ako ng barbie doll nila maingat ako, hindi ko masyado pinaglalaruan, basta't hawak ko lang siya masaya na ako.

Hilig ko din noon , mag ten-twenty (chinese garter) kalaro ko sina Kuya Brian, at yung anak ni Aling Ading, minsang naglaro kami ng umagang umaga, pag uwe namin pinalo na naman ako. Hindi ko na naman maintindihan kung bakit niya ako pinalo gayong naglalro lang naman kami. Ang sabi niya "Agang-aga nangangapitbahay kayo" Hay, masakit mapalo pero masayang nakikipaglaro.

Grade 1 ako nung isang beses umiyak ako sa teacher, hindi dahil may nagawa akong kasalan sa kanya, kundi may kumuha ng payong ko. Usong-uso kasi dati na kapag cleaner ka inilalagay yung bag sa labas ng classroom, tuwang tuwa pa nga ako sa pagbubunot. Nung tapos na kami maglinis ng mga ka-group ko, wala na yung payong ko na katabi lang nag bag ko. T_T umiyak ako, binuhat ako ng classmate kong matangkad na bading, dinala niya ako kay teacher, umiiyak ako dahil payong ko yun, payong na sabi ni nanay wag iwawala. Nilagyan pa nga niya ng pangalan yung payong ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Nanay na may kumuha ng payong, hanggang sa jeep pilit kong hinahanap ang bagay na yun, sa tuwing may nakikita akong payong inaakala ko siya yung kumuha. Masama ang mangbintang, pero papaluin na naman kasi ako eh.

First time ko sa school nun, sa Central, hindi ako masyado pinapasyal noon sa Cabuyao, so, wala akong alam sa daan...normally sasakay kami ng tricycle at kasabay pag-uwe si Kuya Brian na Grade 5 na yata noon. Maaga kaming pinalabas ng teacher ko, kumbaga awasan na. Pumunta ako sa room ni Kuay Brian, pero nagkaklase pa sila... kelangan ko ng umuwi pero hindi ko alam ang daan pauwi. Naglakad lakad ako palibot sa school, hindi pa din awasan si Kuya Brian, ang tumatakbo sa isip ko noon ay bakit naging Isang daan ang Isang daan (yung 100 pesos na bill), isang daan ba dahil iisa lang ang daan??? hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nag naging tawag sa 100 pesos. Isang daan??? haha..Kinuha ko ang bag ko at pipilitin kong makauwe, hindi ko maintay si Kuya Brian,..lumabas ako ng school, kabado, patingin tignin s paligid, "Saan ba dito??" naalala ko yung way na papunta sa central habang nakasakay kami sa tricycle, dahil mahilig nga akong tumingin sa paligid, iniisip ko kung uuwi ako pabalik lang yung daan..nagdadalawng isip ako..kabado padin. "SAAN BA??" "KALIWA O KANAN?" ..hay,, pinili ko yung kanan, pilit ko nire-recognize sa isip ko yung mga nakikita ko habang nakasakay sa tricycle,,"oo, dito nga!" pinagpatuloy ko ang aking paglalakad, hindi ko naman maisipang sumakay ng tricycle noon na ang pamasahe ay dalawang piso lang, hindi ko kasi alam ang address ng bahay..Haha.Alam niyo bang habang naglalakad ako, kinakausap ko ang aking Guardian Angel noon, dahil mabigat ang dala kong bag at madaming librong laman, kinausap ko siya kung pwede sana buhatin niya yung bag ko dahil nabibigatan na ako at mahaba pa ang kaing lalakarin, kakaiba nag naramdaman ko. parang umaangat ako sa lupa, nagiging magaan ang katawan ko, at ramdam ko na may humihigit sa bag ko pataas,,.."Totoo kaya ito?" saglit lang yung moment na yun pero hindi ko talaga makakalimutan, that time nagsimula akong maniwala sa Guardian Angel hanggang ngayon. Nakarating naman ako sa bahay.


continuation....

1 comment:

  1. hehehe kami din naglulutu-lutuan sa lata ng sardinas.. kumukupit ako ng bigas sa tindahan para may lutuin kami. :-) nakakamiss ang pagiging bata.

    ReplyDelete